Hermeneutika: Mga Panuntunan ng Pagpapaliwanag
Sa pagsagot sa mga tanong sa pagpapaliwanag, kinakailangan tayong umayon sa ilang mga tuntunin o batas ng pagpapaliwanag. Ang mga ito ay:
A. Pangkalahatang Panuntunan ng Pagpapaliwanag
1. Ang bawat Cristiano ay may pribilehiyo at tungkulin na pag-aralan ang Salita ng Diyos para sa kanyang sarili (2 Tim. 2:15). Mas lalo kang nasasanay sa iyong personal na pag-aaral ng Biblia, mas higit naman na ang iyong paggsandig sa mga komentaryo at sa mga kapwa pastor ay magiging pagsubabay na lamang kaysa sa saklay.
2. Kailangan natin ang pananampalatayang nakapagliligtas at ang Banal na Espiritu upang maunawaan at maipaliwanag ng maayos ang Kasulatan (1 Cor. 2:12-16; 1 Juan 2:27).
Ang Biblia ay isang espirituwal na aklat, samakatuwid kailangan natin ang Espiritu upang tulungan tayong maunawaan ito.
3. Ang pangunahing layunin ng Biblia ay baguhin ang ating buhay, hindi lamang paramihin ang ating kaalaman (Awit 119:97-105; Mateo 7:21-29; Juan 8:31-32).
4. Laging tandaan na ang Biblia ay may awetoridad at totoo (Juan 17:17; 2 Tim. 3:16-17).<<br />
Ang Biblia ay siyang huling hukuman ng apila.
Sa sanadaling tanggalin mo ang awtoridad ng Biblia, may relihiyon ka ng pagdududa. Kung ito ay di mapagkakaktiwalaan sa isang bahagi, ito'y di mapagkakatiwalaan sa lahat ng bahagi.
5. Ipaliwanag ang sariling karanasan sa liwanag ng Kasulatan at hindi ang Kasulatan sa liwanag ng karanasan. (Ang Bagong Tipan ay di nagtuturo na dahil si Jesus ay bumangon mula sa patay, Siya ay samakatuwid ang anak ng Diyos. Sa halip, dahil nga sa Siya ay Anak ng Diyos, Siya ay bumangon mula sa patay.)
Kasulatan, hindi karanasan, ang nagtatakda ng katotohan. Halimbawa, "Nagsalita ako ng iba't-ibang wika, samakatuwid ang pagsasalita ng iba't-ibang wika ay para sa iglesya ngayon." MALI! Tingnan ang 2 Tesalonika 2:1-5
6. Ipinapaliwanag ng Biblia ang sarili. Kasulatan ang mas mahusay na tagapagpaliwanag ng Kasulatan. Naniniwala kami sa berbal (ang mga salita), plenaryo (ang kabuuan) na inspirasyon. Hindi maaaring salungatin ng Diyos ang Kanyang Sarili, samakatuwid laging tugma ang Kanyang Salita sa sarili nito.
7. Ang mga halimbawa sa Biblia ay may kapangyarihan lamang kapag nasuportahan ng isang utos. Ang lahat ng mga salita ng Kasulatan ay kinasihan ngunit hindi lahat ng mga gawain o kilos na naitala nito ay dapat tularan. Halimbawa, ang pagsisinungaling ni Abraham sa Gen. 20 at ni Rahab's sa Josue 2.
8. Ang mga pangako ng Diyos sa kabuuan ng Biblia ay inilalaan ng Banal na Espiritu para sa mga mananampalataya sa bawat salinlahi.
a. Ang mga pangako na pangkalahatan ay ibinigay para sa bawat mananampalataya. (1 Juan 1:9)
b. Ang mga pangakong may tukuyin ay ibinigay sa mga tinukoy na katauhan sa mga tukoy na pagkakataon
Halimabawa, ang Mga Gawa 13:47 ay isang tukoy na pangako na ibingay kay Pablo (at maaaring kasama rin si Bernabe): "Sapagkat ganito ang ipinag-utos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, 'Inilagay kitang isang ilaw sa mga Hentil, upang ikaw ay magdala ng kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.'" (Ihambing ito sa Isa. 42:6-7). Ang tuntunin ng Dakilang Komisyon (Mateo 28:19-20) ay para sa atin, ngunit hindi ang sa Isa. 42:6-7.
9. May mga talata na hindi na para sa ngayon gaya noong panahon na ito naisulat. Halimbawa, ang paraan ng pag-aalay ay para sa bayang Judio (Lev. 7:1-2 - nga sinusunog na handog).
10. Ang pagsasagawa ay kailangang laging ayon sa tamang pagpapaliwanag.
11. Mahalaga ang kasaysayan ng simbahan ngunit hindi ito nagtatakda ng pasiya sa pagpapaliwanag ng Kasulatan.
a. Hindi itinatalaga ng simbahan kung ano ang itinuturo ng Biblia, ang Biblia ang nagtatakda ng kung ano ang itinuturo ng simbahan.
B. Mga Tuntuning Gramatika ng Pagpapaliwanag
1. Tanging isa lamang ang kahulugan ng Kasulatan at marapat tanggapin sa literal nitong kalagayan. Tanungin ang sarili ng ganito:
a. Kinukuwestiyon ko ba ang talatang ito sa literal nitong kalagayan dahil ayaw ko itong sundin?
b. Ipinapaliwanag ko ba ang talatang ito sa patalinghagang paraan dahil hindi ito umaayon sa aking kinikilingang teolohiya?
2. Ipaliwanag ang mga salita na sumasang-ayon sa kahulugan nila sa panahon ng sumulat. Sa pag-aaral ng isang salita, tiyakin ang apat na bagay:
a. Ang pagkakagamit nito ng sumulat (diyan sa aklat na pinag-aaralan at iba pang mga aklat na sinulat ng manunulat).
b. Ang kaugnayan nito sa pinakamalapit na konteksto.
c. Ang kasalukuyang gamit nito sa panahon ng pagkakasulat.
d. Ang ugat na kahulugan (kailangan dito ang Vine's Expository Dictionary).</>
3. Ipaliwanag ang isang salita ayon sa kaugnayan sa kinalalagyan nitong pangungusap at konteksto.
a. Isa sa pinakapayak at mahalagang batas ng pagpapaliwanag ay ang pag-aaral ng konteksto upang malaman ang marapat na kahulugan ng isang salita.
4. Ipaliwanag ang isang talata na may pag-ayon sa kanyang kinalalagyang konteksto. Tanungin ang sarili ng ganito:
a. Paano nauugnay ang talata sa mga impormasyong nakapaligid dito?
b. Paano ito nauugnay sa kabuuan ng aklat?
c. Paano ito nauugnay sa kabuuan ng Biblia?
c. Paano ito nauugnay sa kultura at likod ng pangyayari nang ito nmaisulat?
5. Kapag ang isang bagay na walang buhay ay ginamit upang mailarawan ang isang may buhay na nilalang, maaaring ituring ang pangungusap na patalinghaga (Ako ang tinapay - Juan 6:35; Ako ang pintuan - Juan 10:7)
Kapag may buhay at pagkilos na nakakabit sa mga bagay na walang buhay, maaaring ituring ang pangungusap na patalinghaga (Micah 6:2).
6. Kapag ang pangungusap ay labas sa katangian ng bagay na nilalarawan, maaaring ituring ang pangungusap na patalinghaga (Filipos 3:2-3 --- mga aso).
7. Ang mga mahahalagang bahagi at larawan ng isang parabula ay kumakatawan sa mga tiyak na katotohanan. Tanggapin lamang ang mga mahahalagang bahagi at larawan na iyan kapag magbubuo na ng mga konklusyon.
a. Alamin at tiyakin ang layunin ng parabula.
b. Tiyaking ipaliwanag ang iba't-ibang bahagi ng parabula na may pagsang-ayon sa pangunahing nitong disenyo.
c. Gamitin lamang yaong mga mahahalagang bahagi ng parabula sa pagpapaliwanag ng aralin.
8. Ipaliwanag ang mga salita ng mga propeta sa kanilang nakagawian, literal at makasaysayang kalagayan, liban na lamang na ang konteksto o paraan ng pagkakaganap ay maliwanag na nagpapakita ng masimbolikong kahulugan. Ang kanilang kaganapan ay maaaring paunti-unti, mga paunti-unting kaganapan at pangako ng darating pang pangyayari.
C. Mga Tuntunin na Pang-kasaysayan ng Pagpapaliwanag
1. Yamang ang Kasulatan ay nagmula sa isang makasaysayang konteksto, maaari itong maunawaan sa liwanag ng kasaysayang biblikal.
Ang makasaysayang konteksto ay makatutulong na mapagpasiyahan kung:
a. Ano ang mga nasa likod na impormasyon ng sumulat?
b. Para kanino isinulat ang liham (aklat)?
c. Ano ang karanasan o okasyon na nagbigay dahilan sa mensahe?
d. Sino ang mga pangunahing katauhan ng aklat?
2. Bagaman ang pagpapahayag ng Diyos sa mga Kasulatan ay may pagpapatuloy, magkasamang mahalaga ang Luma at Bagong Tipan at ang mga ito'y bumubuo ng iisang aklat.
3. Ang mga makasaysayang katotohanan o pangyayari ay nagiging mga simbulo (tipo) ng mga katotohanang espirituwal lamang kung maliwanag na tinukoy ito ng Kasulatan (1 Corinto 10:1-4; Galacia 4:22-24).
D. Mga Tuntuning Pang-teolohikal ng Pagpapaliwanag
1. Kailangang maunawaan muna ang Biblia sa kalagayan nitong pang-gramatika bago ito maunawaan sa teolohikal na kalagayan.
2. Ang isang doktrina ay di maituturing na biblikal liban na lamang kung nagsusuma at isinasama nito ang lahat ng masasabi ng Kasulatan tungkol dito.
3. Kapag may dalawang doktrinang itinuturo sa Biblia ay mukhang nagtutunggali, magkasamang tanggapin ito na biblikal na may makumpiyansang paniniwala na ang mga ito'y nagkakasundo sa mas mataas na kaisahan.
a. Ang Trinidad
b. Ang dalawang kalikasan ni Cristo
c. TAng pinagmulan at pagkakaroon ng kasamaan
d. Ang malaya at nakapangyayaring paghirang ng Diyos at ang pananagutan ng tao
4. Ang isang katuruan na ipinahihiwatag lamang sa Kasulatan ay maaaring ituring na biblikal kapag maraming magkakatulad at magkakaugnay na talata ang kumakandili dito.
Ito ay isa lamang bahagi ng aralin. Ang buong aralin
ay maaari lamang mabuksan ng mga kasapi.